Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
 

Mga Kawikaan 2

Mga Kabutihang Dulot ng Karunungan

  1. Anak ko, kapag sinunod mo ang aking mga salita
    at iningatan sa iyong puso ang aking mga utos,
  2. kung pakikinggan mo ang karunungan
    at itatalaga ang iyong puso sa kaunawaan,
  3. kung tatawagin mo ang kaalaman
    at sisikaping masumpungan ang pang-unawa,
  4. kung hahanapin mo itong tulad ng pilak,
    sasaliksiking tulad ng natatagong kayamanan,
  5. mauunawaan mo ang pagkatakot sa Panginoon
    at masusumpungan mo ang karunungan ng Dios.
  6. Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng katalinuhan;
    sa kanyang bibig nanggagaling ang karunungan at pang-unawa.
  7. Pinaglalaanan niya ng tagumpay ang matuwid,
    siya ay sanggalang ng mga namumuhay sa kabanalan,
  8. sapagkat binabantayan niya ang landas ng namumuhay sa katuwiran
    at iniingatan ang daan ng mga lingkod niyang tapat.
  9. Kung magkagayo’y mauunawaan mo kung alin ang tama
    at matuwid at tapat—at bawat mabuting landas.
  10. Sapagkat ang katalinuhan ay mananahan sa iyong puso
    at madadama mo ang kasiyahang dulot nito sa iyong kaluluwa.
  11. Ang pag-iingat ang magsasanggalang sa iyo
    at ang pang-unawa ang magiging bantay mo.
  12. Ang katalinuhan ang magliligtas sa iyo
    sa mga landas ng masasamang tao,
    mga taong may likong pananalita,
  13. na umaalis sa matuwid na daan
    upang lumakad sa madilim na landas,
  14. mga taong natutuwa sa paggawa ng masama
    at nagagalak sa kabuktutan ng masama,
  15. mga taong liku-liko ang landas
    at lisya ang paraan ng pamumuhay.
  16. Ililigtas ka sa babaing mapangalunya,
    mula sa taksil na asawa na mapanukso ang pananalita
  17. na lumayo sa kanyang kabiyak ng buhay
    at nagwalang-bahala sa tipang ginawa sa harap ng Dios.
  18. Ang buhay niya’y nagbubulid sa kamatayan
    at ang mga landas niya’y humahantong sa espiritu ng mga patay.
  19. Sinumang matangay niya’y hindi na nakababalik
    o nakasusumpong sa landas ng buhay.
  20. Kaya nga, tahakin mo ang landas ng mga mabuting tao
    at manatili sa mga landas ng matuwid.
  21. Sapagkat ang matuwid ay mamumuhay na matiwasay sa lupain,
    at ang malinis ay mamamalagi roon.
  22. Ngunit ang makasalanan ay mawawala sa lupain,
    ang hindi tapat ay aalisin doon.
   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.