Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
 

Mga Kawikaan 13

Mga Kawikaan ni Solomon
  1. Ang pantas na anak ay sumusunod sa payo ng kanyang ama,
    ngunit ang mapanglibak ay di nakikinig sa saway sa kanya.
  2. Mula sa bunga ng kanyang mga labi, ang tao’y nasisiyahan sa mabubuting bagay,
    ngunit ang di tapat ay nagnanasa ng karahasan.
  3. Siyang nagbabantay sa kanyang mga labi ay nagbabantay sa kanyang kaluluwa,
    ngunit ang walang taros magsalita ay hahantong sa pagkawasak.
  4. Ang tamad ay naghahangad ngunit walang nakakamtan,
    ngunit ang mga hangarin ng masikap ay magkakaroon ng lubos na kasiyahan.
  5. Ang matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,
    ngunit ang masama ay nagdudulot ng kahihiyan at kadustaan.
  6. Ang taong tapat ay binabantayan ng katuwiran
    ngunit ang kasamaan ang nagbabagsak sa makasalanan.
  7. May taong nagpapanggap na mayaman ngunit ang totoo’y dukha lamang,
    mayroon namang nagpapanggap na mahirap ngunit ubod ng yaman.
  8. Maaaring matubos ng tao ang kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang kayamanan,
    ngunit sa mahirap na tao’y walang nagbabantang sinuman.
  9. Ang luningning ng taong matuwid ay nagliliwanag na mabuti,
    ngunit ang ilawan ng masasama ay namamatay.
  10. Ang paghahambog ay nanganganak lamang ng mga pag-aaway
    ngunit karunungan ang nakikita sa mga tumatanggap ng payo.
  11. Ang salaping buhat sa masama ay madaling nauubos,
    ngunit siyang nagtitipong unti-unti ay nagpapalago nito.
  12. Ang pag-asang nabalam ay nagdudulot sa puso ng karamdaman,
    ngunit ang inaasam na natupad ay isang punungkahoy ng buhay.
  13. Ang humahamak sa aral ay magbabayad balang araw,
    ngunit ang gumagalang sa utos ay gagantimpalaan.
  14. Ang katuruan ng marunong ay bukal ng buhay,
    naglalayo sa tao sa mga patibong ng kamatayan.
  15. Ang magandang pang-unawa ay umaakit ng kaluguran,
    ngunit ang daan ng hindi tapat ay batbat ng kahirapan.
  16. Ang matalinong tao ay kumikilos ayon sa kanyang kaalaman,
    ngunit inihahayag ng mangmang ang kanyang kamangmangan.
  17. Ang masamang mensahero ay humahantong sa kaguluhan,
    ngunit ang mapagtitiwalaang sugo ay nagdadala ng kagalingan.
  18. Ang nagwawalang-bahala sa pagtutuwid ay nasasadlak sa kahirapa’t kahihiyan,
    ngunit ang tumatanggap ng pagtutuwid ay pinararangalan.
  19. Ang isang hangaring natupad ay matamis sa kaluluwa,
    ngunit kinasusuklaman ng mga mangmang ang paglayo sa masama.
  20. Ang sumasama sa lakad ng matatalino ay nagiging matalino,
    ngunit ang kasamahan ng mga mangmang ay nagdaranas ng kapahamakan.
  21. Ang kasamaang-palad ay humahabol sa makasalanan
    ngunit ang gantimpala ng matuwid ay kaunlaran.
  22. Ang mabuting tao’y nag-iiwan ng mana sa kanyang mga apo,
    ngunit ang kayamanan ng mangmang ay nalalaan sa matuwid.
  23. Ang bukirin ng dukha ay maaaring mag-ani ng saganang pagkain,
    ngunit ang kawalang katarungan ang pumapalis dito.
  24. Siyang hindi gumagamit ng pamalo ay namumuhi sa kanyang anak,
    ngunit ang nagmamahal sa anak ay masikap na nagtutuwid dito.
  25. Ang mga matuwid ay kumakaing may kasiyahan ang puso,
    ngunit ang tiyan ng masama ay nananatiling gutom.

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.