Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
 

Mga Kawikaan 15

Mga Kawikaan ni Solomon
  1. Ang banayad na sagot ay nakapapawi ng poot,
    ngunit ang marahas na salita ay lumilikha ng galit.
  2. Ang dila ng matalino ay pumupuri sa karunungan,
    ngunit ang bibig ng mangmang ay nagbubuga ng kahangalan.
  3. Nakatingin ang Panginoon sa lahat ng dako,
    lagi siyang nakabantay sa masasama at mabubuting tao.
  4. Ang dilang naghahatid ng kagalingan ay punungkahoy ng buhay,
    ngunit dumudurog ng espiritu ang dilang mapanlinlang.
  5. Ang pagtutuwid ng kanyang ama ay tinatanggihan ng mangmang,
    ngunit ang nakikinig sa payo’y nagpapakita ng kahinahunan.
  6. Ang tahanan ng taong matuwid ay naglalaman ng maraming kayamanan,
    ngunit ang kinikita ng masasama ay nagdudulot sa kanila ng kaguluhan.
  7. Ang mga labi ng marunong ay nagkakalat ng karunungan,
    di gayon ang puso ng mga mangmang.
  8. Kinasusuklaman ng Panginoon ang hain ng masasama,
    ngunit nalulugod siya sa dalangin ng mga matuwid.
  9. Nasusuklam ang Panginoon sa daan ng masama,
    ngunit iniibig niya ang mga sumusunod sa katuwiran.
  10. Mahigpit na disiplina ang naghihintay sa mga lumilihis ng daan,
    ang namumuhi sa pagtutuwid ay mamamatay.
  11. Nalalantad sa harapan ng Panginoon ang Kamatayan at Pagkawasak—
    gaano pa kaya ang puso ng mga tao!
  12. Ang manlilibak ay nagagalit sa pagtutuwid;
    hindi siya sasangguni sa matalino.
  13. Ang maligayang puso ay nagpapasaya sa mukha,
    ngunit ang kirot ng puso ay dumudurog sa espiritu.
  14. Ang pusong may unawa ay humahanap ng karunungan
    ngunit ang bibig ng mangmang ay nabubuhay sa kamangmangan.
  15. Ang inaapi ay kahabag-habag sa lahat ng araw,
    ngunit ang masayang puso ay patuloy na nagdiriwang.
  16. Mabuti pa ang kaunting kabuhayan ngunit may takot sa Panginoon,
    kaysa malaking kayamanan na puno ng kaguluhan.
  17. Mabuti pa ang pagkaing gulay na puno ng pagmamahal,
    kaysa pinatabang guyang batbat ng kapootan.
  18. Ang taong mainit ang ulo ay lumilikha ng pag-aaway,
    ngunit ang taong mapagtimpi ay pumapayapa ng kagalitan.
  19. Ang daan ng taong tamad ay puno ng tinik,
    ngunit ang daan ng matuwid ay landas na malinis.
  20. Galak ang dulot sa ama ng matalinong anak,
    ngunit ang taong mangmang, sa ina ay humahamak.
  21. Ang taong kulang ng pagpapasiya ay nasisiyahan sa kamangmangan,
    ngunit ang taong may pang-unawa ay nananatili sa tuwid na daan.
  22. Ang mga balak ay nabibigo dahil sa walang nagpapayo,
    ngunit magtatagumpay sila kung maraming tagapayo.
  23. Ang tao’y nakasusumpong ng kagalakan sa pagbibigay ng wastong sagot—
    at pagkabuti ng isang salitang binitiwan sa panahong angkop!
  24. Para sa marunong, ang daan ng buhay ay pataas,
    upang maglayo sa kanya sa paglusong sa hukay.
  25. Winawasak ng Panginoon ang bahay ng palalo,
    ngunit ang hanggahan ng balo’y pinananatiling buo.
  26. Kinasusuklaman ng Panginoon ang iniisip ng masasama,
    ngunit nalulugod siya sa malinis na isipan.
  27. Naghahatid ng gulo sa sambahayan ang taong matakaw,
    ngunit siyang namumuhi sa mga suhol ay mabubuhay.
  28. Ang puso ng taong matuwid ay tumitimbang sa kanyang mga kasagutan,
    ngunit ang bibig ng masama ay nagbubuga ng kasamaan.
  29. Ang Panginoon ay malayo sa masasama,
    ngunit ang dalangin ng mga matuwid ay kanyang dinidinig.
  30. Ang masayang tingin ay nagdudulot ng kagalakan sa puso,
    at ang magandang balita ay nagdadala ng kalusugan sa mga buto.
  31. Ang nakikinig sa saway na nagbibigaybuhay,
    sa pulutong ng marurunong ay may kapanatagan.
  32. Ang nagwawalang-bahala sa pagtutuwid, sa sarili ay namumuhi,
    ngunit nagtatamo ng unawa ang nakikinig sa pagtutuwid.
  33. Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagtuturo ng karunungan,
    at unang dumarating ang kababaan bago ang karangalan.

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.