Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
 

Mga Kawikaan 31

Mga Salawikain ni Haring Lemuel
  1. Ito ang mga salawikain ni Haring Lemuel—isang pahayag na itinuro ng kanyang ina:
  2. "Anak ko na bunga ng aking sinapupunan, anak dahil sa aking mga pangako,
  3. huwag mong aksayahin ang iyong lakas sa mga babae,
    ang iyong sigla sa mga nagpapahamak sa mga hari.
  4. "Hindi dapat sa mga hari, O Lemuel—
    hindi dapat sa mga namamahala na mahumaling sa serbesa,
  5. baka sa pag-inom nila’y makalimutan ang itinatadhana sa kautusan,
    at mapagkaitan ng karapatan ang lahat ng inapi.
  6. Ang serbesa’y ibigay ninyo sa mga papanaw na,
    ang alak ay doon ibigay sa nagdadalamhati;
  7. bayaan silang uminom upang malimutan ang kanilang kahirapan
    at di na magunita ang kanilang kalungkutan.
  8. "Magsalita ka para sa mga di makapagsalita ukol sa kanilang sarili,
    para sa karapatan ng lahat ng maralita.
  9. Magsalita ka at humatol nang pantay;
    ipagtanggol mo ang karapatan ng mga dukha’t nangangailangan."
  10. Pangwakas: Ang Asawang may Dakilang Ugali

  11. Ang asawang may magandang ugali, sino ang makasusumpong?
    Higit siyang mahalaga kaysa mga rubi.
  12. Lubos ang pagtitiwala sa kanya ng kanyang asawa
    hindi magkukulang ng anumang may halaga,
  13. ang dinadala niya sa asawa ay mabuti, hindi nakasasakit,
    sa lahat ng araw ng kanyang buhay.
  14. Pumipili siya ng lana at de-ilo
    at pinagyayaman ng masipag niyang mga kamay.
  15. Tulad siya ng mga barkong pangalakal,
    na nagdadala ng kanyang pagkain mula sa malayo.
  16. Madilim pa’y bumabangon na siya;
    naghahanda siya ng pagkain para sa kanyang sambahayan
    at mga bahagi para sa mga katulong na mga babae.
  17. Isinasaalang-alang niya ang isang bukirin at binibili ito;
    buhat sa kanyang kinita’y nagtatanim siya ng ubasan.
  18. Inihahanda niya ang kanyang gawain na may kasiglahan;
    ang mga bisig niya’y may sapat na lakas para sa kanyang mga gawain.
  19. Tinitiyak niya na may mapapakinabang sa kanyang hanap-buhay,
    patuloy na nagniningas ang kanyang ilaw sa buong magdamag.
  20. Siya ang gumagawa ng kanyang sinulid at humahabi ng kanyang damit.
  21. Bukas ang kanyang mga palad sa mahihirap,
    at tumutulong sa mga nangangailangan.
  22. Kung umuulan ng niyebe, wala siyang pangamba tungkol sa kanyang sambahayan;
    pagkat silang lahat ay nararamtan ng granate.
  23. Siya ang gumagawa ng mga pantakip sa kanyang kama;
    siya’y nararamtan ng mainam na lino at kulay murado.
  24. Ang asawa niya’y iginigalang sa pintuan ng lunsod,
    na doo’y nauupong kasama ng matatanda sa lupain.
  25. Gumagawa siya ng mga kasuotang lino, at ipinagbibili,
    at siya ang nagtutustos ng sintas sa mga mangangalakal.
  26. Taglay niya ang lakas at karangalan;
    maaaring tawanan niya ang mga araw na darating.
  27. Nagsasalita siyang may karunungan,
    at tapat na aral ang nasa kanyang dila.
  28. Siya ang sumusubaybay sa mga gawain ng kanyang sambahayan
    at hindi siya kumakain ng tinapay ng katamaran.
  29. Bumabangon ang kanyang mga anak at tinatawag siyang mapalad;
    gayon din ang kanyang asawa at pinupuri siya;
  30. "Maraming babae ang gumagawa ng mga dakilang bagay,
    ngunit higit ka sa kanilang lahat."
  31. Ang panghalina ay nakalilinlang, at ang kagandahan ay lumilipas;
    ngunit ang babaing may takot sa Panginoon ay dapat na purihin.
  32. Ipagkaloob ang gantimpala na nararapat sa kanya,
    at bayaang umani ng papuri ang kanyang mga gawa
    sa may pintuan ng lunsod.

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.