| |
AWIT 6
- Panginoon, huwag
mo akong pagwikaan
kapag ikaw’y nagagalit
o parusahan man sa iyong pagkapoot.
- Mahabag ka sa akin,
Panginoon,
pagkat ako ay mahina.
Pagalingin mo ako, Panginoon,
pagkat nagdurusa ang aking mga buto.
- Ang kaluluwa ko’y
nagdadalamhati.
Hanggang kailan, Panginoon,
hanggang kailan?
- Lumingon ka, Panginoon,
at iligtas ako;
iligtas mo ako alang-alang sa pag-ibig
mong hindi nagkukulang.
- Hindi ka na maaalaala
ng taong patay na.
Sino pa’ng pupuri sa iyo
mula sa libingan?
- Nanlulupaypay na
ako
dahil sa hinagpis;
sa buong magdamag,
ang higaan ko’y tigmak ng luha.
- Ang mga mata ko’y
nanlalabo
dahilan sa lungkot;
sinapit ko ito dahilan
sa aking mga kaaway.
- Layuan ninyo ako,
lahat
kayong gumagawa ng masama,
pagkat dininig na ng Panginoon
ang aking pagtangis.
- Narinig na ng Panginoon
ang paghingi ko ng kahabagan;
tinanggap na ng Panginoon
ang aking dalangin.
- Sana’y mapahiya
at masindak
ang lahat kong kaaway;
sana’y mapaurong sila
sa biglang kahihiyan.
(NPV)
|