Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
 

AWIT 8

  1. O Panginoon, aming Panginoon,
    napakadakila ng iyong pangalan sa buong daigdig!
    iniayos mo ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng kalangitan.
  2. Mula sa mga labi ng mga batang musmos,
    itinakda mo na ang pagpupuri dahil sa iyong mga kaaway,
    upang patahimikin ang kalaban at ang mapaghiganti.
  3. Kapag binubulay ko ang iyong kalangitan,
    ang gawa ng iyong mga kamay,
    ang buwan at ang mga bituin,
    na inayos mo sa kanya-kanyang lugar,
  4. ano ba ang tao para iyong alalahanin,
    ang anak ng tao para iyong pagmalasakitan?
  5. Nilalang mo siyang mababa lang nang kaunti sa mga anghel
    at pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
  6. Ginawa mo siyang tagapamahala sa mga gawa ng iyong kamay;
    ipinailalim mo sa kanyang mga paa ang lahat ng bagay:
  7. lahat ng kawan at bakahan,
    at ang mga hayop sa parang,
  8. ang mga ibon sa himpapawid,
    at ang mga isda sa dagat,
    lahat ng lumalangoy sa mga landas ng karagatan.
  9. O Panginoon, aming Panginoon,
    napakadakila ng iyong pangalan sa buong daigdig!

(NPV)

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.