| |
AWIT 9
- Buong-puso kitang
pupurihin, O Panginoon;
ibabalita ko ang lahat ng iyong kahanga-hangang mga gawa.
- Magagalak ako at
magsasaya sa iyo.
Aawit ako ng pagpupuri sa iyong pangalan, O Kataastaasan.
- Umuurong ang aking
mga kaaway;
madarapa sila at mawawala sa iyong harapan.
- Pagkat pinagtibay
mo ang karapatan ko at ang aking layunin;
naupo ka na sa iyong trono, at matuwid na humahatol.
- Pinagwikaan mo
ang mga bansa at winasak ang mga masasama;
binura mo na magpakailanman ang kanilang pangalan.
- Walang wakas ang
pagkawasak na dumating sa kaaway,
binunot mo na ang mga lunsod nila;
pati alaala sa kanila ay naparam.
- Maghahari ang Panginoon
magpakailanman.
Itinayo na niya ang kanyang trono para sa paghatol.
- Hahatulan niya
ang daigdig sang-ayon sa katuwiran;
pamamahalaan niyang may katarungan ang mga tao.
- Ang Panginoon ay
kanlungan ng mga naaapi,
isang muog sa panahon ng kaguluhan.
- Magtitiwala sa
iyo ang nakababatid ng iyong pangalan,
pagkat kailan man, Panginoon, ay di mo itinatakwil
ang sinumang humahanap sa iyo.
- Awitan ng papuri
ang Panginoong nakaluklok sa trono sa Sion;
ipahayag sa mga bansa ang lahat niyang mga gawa.
- Sapagkat naaalaala
ng mga tagapaghiganti ng dugo;
hindi niya ipinagwawalang-bahala ang taghoy ng mga nagdurusa.
- O Panginoon, tingnan
mo kung paano ako inuusig ng mga kaaway!
Kahabagan mo ako at hanguin sa mga pintuan ng kamatayan
- upang maipahayag
ko ang mga kapurihan mo
sa mga pintuang-daan ng Anak ng Babae ng Sion
at doon ay magdiwang sa iyong pagliligtas.
- Nahulog ang mga
bansa sa balon na kanilang hinukay;
sa lambat nilang iniumang nahuli ang kanilang mga paa.
- Ang Panginoon ay
kilala sa pagiging makatarungan;
ang masasama ay nabitag ng gawa ng kanilang mga kamay.
Pagbubulay. Selah.
- Ang masasama’y
nagbabalik sa libingan,
lahat ng bansang nakalilimot sa Dios.
- Ngunit ang mga
dukha’y di laging malilimutan,
at ang pag-asa ng mga nagdurusa ay di mapaparam.
- Tumindig ka, Panginoon,
at huwag mong itulot na ang tao’y magtagumpay;
hatulan mo ang bansa sa iyong harapan.
- Hampasin mo sila
sa pamamagitan ng pagkasindak, O Panginoon;
ipabatid mo sa mga bansa na sila’y tao lamang.
(NPV)
|