Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
 

AWIT 14

  1. Ang hangal ay nagsasabi sa kanyang puso, "Walang Dios."
    Bulok na sila sa kasamaan at ang mga gawain ay pawang masama;
    isa ma’y walang gumagawa ng mabuti.
  2. Magmula sa langit, ang Panginoon ay nagmamasid sa mga anak ng tao
    upang tingnan kung mayroon pang nakauunawa at naghahanap sa Dios.
  3. Lahat ay lumihis at pawang nagpakasama;
    isa ma’y walang gumagawa ng mabuti, kahit isa’y wala.
  4. Hindi na kaya matututo ang mapaggawa ng masama—
    silang sumasakmal sa aking bayan tulad ng pagkain ng tinapay
    at di tumatawag sa Panginoon?
  5. Hayun sila, pinaghaharian ng takot,
    sapagkat sa kalipunan ng mga matuwid ay naroon ang Dios.
  6. Kayong masasama, sinisira ninyo ang plano ng mga dukha,
    ngunit ang Panginoon ang kanilang kublihan.
  7. O, sana’y ang kaligtasan ng Israel ay magbuhat na sa Sion!
    Kapag ibinalik na ng Panginoon ang mga kapalaran ng kanyang bayan,
    bayaang magdiwang ang Jacob at magalak ang Israel!

(NPV)

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.