Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
 

AWIT 19

  1. Ang kaluwalhatian ng Dios ay ipinahahayag ng mga kalangitan,
    ang mga kalawakan ay nagsasaad ng mga gawa ng kanyang mga kamay,
  2. Araw-araw ay may mensahe silang binibigkas;
    at sa gabi-gabi ay nagpapahayag sila ng karunungan.
  3. Sa lahat ng salita at wika ang tinig nila ay naririnig.
  4. Ang tinig nila ay naglalakbay sa buong daigdig,
    ang mga salita nila ay umaabot sa mga dulo ng daigdig.
    sa mga kalangitan, nagtayo siya ng tolda para sa araw,
  5. tulad ng kasintahang lalaki na lumalabas mula sa kanyang bulwagan,
    parang isang kampiyong nagagalak sa kanyang takbuhin.
  6. Sumusikat ito mula sa isang dulo ng kalangitan;
    patungo sa kabilang dako, ito ay naglalakbay;
    walang nakukubli sa init nitong taglay.
  7. Ang kautusan ng Panginoon ay ganap,
    muling nagpapasigla sa kaluluwa.
  8. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid,
    ito’y nagdudulot ng galak sa puso.
    Ang mga utos ng Panginoon ay maningning,
    nagdudulot ng liwanag sa mga mata.
  9. Ang pagkatakot sa Panginoon ay dalisay,
    nananatili magpakailanman.
    Ang mga kautusan ng Panginoon
    ay tiyak at matuwid na lahat.
  10. Higit itong mahalaga kaysa ginto,
    kaysa maraming dalisay na ginto;
    higit pa sa pulot ang tamis nito,
    higit pa sa pulot na buhat sa bahay ng pukyutan.
  11. Dahil sa mga ito, pati iyong alipin ay nabababalaan;
    sa pagtupad nito, may gantimpalang nakalaan.
  12. Sino’ng makakikita sa kanyang mga kamalian?
    Patawarin ako sa lihim kong kamalian.
  13. Ilayo mo ang iyong lingkod sa pagsadya sa kasalanan;
    huwag nawa nila akong mapagharian.
    Kung magkagayon, ako ay magiging walang kapintasan,
    walang malay sa malubhang pagsalangsang.
  14. Nawa ang mga salita ko at pagbubulaybulay ng aking puso
    ay maging kalugud-lugod sa iyong paningin, O Panginoon,
    aking Bato at aking Kaligtasan.

(NPV)

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.