Home page ooooo Back to index
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
 

AWIT 25

Kay David

  1. Sa iyo, O Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa;
  2. sa iyo ako nagtitiwala, O aking Dios.
    Huwag mong itutulot na mapahiya ako,
    ni bayaang ako’y pagtagumpayan ng mga kaaway ko.
  3. Walang sinumang nagtitiwala
    ngunit mapapahiya ang mga nagtataksil nang walang dahilan.
  4. Ipakita mo sa akin ang iyong mga daan, O Panginoon,
    ituro mo sa akin ang iyong mga landas;
  5. patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at turuan ako
    sapagkat ikaw ang Dios na aking Tagapagligtas,
    at ang pag-asa ko ay nasa iyo sa buong maghapon.
  6. Alalahanin mo, Panginoon,
    ang dakilang pag-ibig mo at kahabagan
    pagkat ang mga ito’y mula pa nang una.
  7. Limutin mo na ang mga kasalanan ko
    sa panahon ng aking kabataan,
    gayon din ang aking mga paghihimagsik;
    alalahanin mo ako ayon sa iyong pag-ibig,
    sapagkat ikaw ay mabuti, O Panginoon.
  8. Mabuti at matuwid ang Panginoon;
    kaya itinuturo niya sa mga makasalanan
    ang kanyang mga daan.
  9. Pinapatnubayan niya sa katuwiran ang mapagkumbaba
    at itinuturo sa kanila ang kanyang daan.
  10. Lahat ng landas ng Panginoon ay kaibig-ibig at tapat
    para sa mga sumusunod sa mga hinihingi ng kanyang tipan.
  11. Alang-alang sa pangalan mo, Panginoon,
    patawarin mo na ako bagaman maraming kasalanan.
  12. Kung gayon, sino ang taong natatakot sa Panginoon?
    Tuturuan niya siya sa paraang pinili para sa kanya.
  13. Mamumuhay siya sa kasaganaan sa lahat ng araw,
    at ang kanyang mga angkan ay magmamana sa lupain.
  14. Ang Panginoon ay nagtatapat sa kanila na natatakot sa kanya;
    ang kanyang tipan ay ipinababatid niya sa kanila.
  15. Ang mga mata ko’y laging nakatuon sa Panginoon
    sapagkat siya lamang ang makapagpapalaya
    sa mga paa ko mula sa bitag.
  16. Lingunin mo ako at iyong kahabagan,
    sapagkat nalulungkot ako at nahihirapan.
  17. Nag-iibayo ang mga kabalisahan ng aking puso;
    sa aking pagdadalamhati, palayain mo ako.
  18. Masdan mo ang aking paghihirap at pagkabagabag
    at iyong pawiin ang lahat kong sala.
  19. Tingnan mo kung gaano na karami ang mga kaaway ko
    at kung gaano katindi ang pagkamuhi nila sa akin!
  20. Bantayan mo ako at iyong iligtas;
    huwag mong pabayaang ako’y mapahiya,
    sapagkat ako’y sa iyo nanganganlong.
  21. Iingatan nawa ako ng pagtatapat at ng katuwiran,
    sapagkat ang aking pag-asa ay nasa iyo.
  22. Tubusin mo ang Israel, O Dios,
    sa lahat ng kanyang kaguluhan!

(NPV)

   

National Calendar of Events for the Filipino Community. PinoyEvents.com is free for all non-profit organizations in the US.


Tangkilikin ang kababayan natin.
Palakasin ang gawaing Pinoy.
Be in the national directory.
Pinoy Business Directory is a listing of Filipino businesses, churches, organizations, and professionals serving the Filipino Community.

AsianTexas.com Banner
Asian Business Directory, Community Bulletin, Calendar of Events, and Asian American Statistics.