| |
AWIT 30
Awit para sa pagtatalaga
ng templo ni David
- Itatanyag kita,
O Panginoon,
sapagkat hinango mo ako mula sa kalaliman
at di mo itinulot na pagtawanan ako
ng aking mga kaaway.
- O Panginoon kong
Dios, tinawagan kita
at ako’y humingi ng tulong,
at pinagaling mo ako.
- O Panginoon, hinango
mo ako mula sa libingan;
iniiwas mo ako para hindi mahulog sa hukay.
- Umawit kayo sa
Panginoon, kayong mga banal niya;
purihin ang kanyang banal na pangalan.
- Sapagkat sandali
lamang ang kanyang galit,
ngunit ang kagandahang-loob niya’y nananatili magpakailanman;
ang pagtangis ay maaaring tumagal nang magdamag,
ngunit ang kagalaka’y dumarating pagsapit ng umaga.
- Pag nakadadama
ako ng kapanatagan,
sinasabi ko, "Hindi ako mayayanig kahit kailan."
- O Panginoon, nang
kalugdan mo ako,
pinatatag mo ang aking bundok;
ngunit nang ikukubli mo ang iyong mukha,
ako ay nasiphayo.
- Sa iyo, O Panginoon,
tumatawag ako,
dumaing ako sa Panginoon para kahabagan:
- "Sa aking
pagkawasak, anong pakikinabangin
sa pagbaba ko sa hukay?
Pupurihin ka ba ng alikabok?
Ipahahayag ba nito ang iyong katapatan?
- Dinggin mo, Panginoon
at mahabag ka sa akin;
ikaw ang tumulong sa akin, O Panginoon."
- Pinalitan mo ng
pagsayaw ang aking pagtangis;
ang suot kong sako ay pinalitan mo ng damit ng kagalakan,
- upang umawit ang
puso ko at di manahimik.
O Panginoon kong Dios,
pasasalamatan kita magpakailanman.
(NPV)
|